Tunay na pakay ng PH visit ni Ukrainan Pres. Volodymyr Zelenskyy, kuwestiyunable—foreign relations scholar

Tunay na pakay ng PH visit ni Ukrainan Pres. Volodymyr Zelenskyy, kuwestiyunable—foreign relations scholar

NASA Pilipinas nitong Lunes, Hunyo 4 si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy para sa isang araw na working visit.

Layon umano ng pagbisita ni Zelenskyy na pagtibayin ang 32-taong bilateral relations ng Ukraine at Pilipinas.

Kasabay nito’y nag-request ang Ukrainian President kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpadala ng mental health workers sa kanilang bansa.

Ngayong taon din ay nakatakdang magbukas ang Ukraine ng embahada nito sa Pilipinas.

Dinaan naman sa real-talk ng foreign relations scholar na si Sass Rogando Sasot ang pagpunta ni Zelenskyy sa bansa.

“Ukraine is not our significant trade partner and we are not a significant trade partner of Ukraine. Anong magiging trade relationship nating dalawa? Anong ibebenta natin sa Ukraine at anong ibebenta ng Ukraine sa atin? Hindi ba? Economic ba ang rason kung ba’t nandito siya? Wala tayong pera!” pahayag ni Sass Rogando Sasot, Foreign Relations Scholar.

Saad ni Sasot, mukhang ibang bansa ang kinakausap ni Zelenskyy para mahinto ang giyera sa Ukraine.

Sa isang report nitong Pebrero, mahigit sa 31,000 nang sundalo ng Ukraine ang nasasawi sa giyera.

“I think the Philippines is might be one of the last countries you need to talk to inorder to convince Russia to go back to whatever senses. Eh, the only country I think na pinagkakatiwalaan ngayon ng Russia is China. Eh binad-mouth bad-mouth pa ito ni Zelenskyy sa Singapore. So, parang iniisip mo is ano bang gusto nito? Gusto niya ba ng Peace or gusto niya ng kakampi? Gusto niya ng kakampi sa kabardagulan niya sa Russia,” diin ni Sasot.

Inimbita naman ni Zelenskyy si Pangulong Marcos Jr. na dumalo sa isang swiss-organized peace summit sa Switzerland ngayong buwan kung saan pag-uusapan ang Ukraine-Russia War.

Pero ayon kay Zelenskyy, may sabwatan umano ang Russia at China para hindi matuloy ang nilulutong peace summit.

“Ang kaaway ng Ukraine ay Russia. So ang dapat niyang kausapin ay Russia! Bakit tayo nasama? Wala tayong influence sa Russia at all! As in zero,” saad pa ni Sasot.

Payo naman ni Sasot na humanap ng mediator ang Ukraine para makipag-dayalogo sa Russia.

“Itong si President Marcos, ano pa bang maiko-contribute niya diyan? He cannot be a mediator! Dahil most of the time eh parang wala rin naman siya sa sarili. Eh hindi niya nga ma-solve ang problema sa Pilipinas! Tapos maglalagay pa siya ng Ukraine? Ano ba yan!? Hindi pa ba sapat ang problema sa Pilipinas?” aniya.

Umaasa naman si Sasot na kontra giyera ang nakuhang aral ni Pangulong Marcos Jr. sa Ukrainian President.

Aral na magsisilbing babala sa Pangulo ng Pilipinas na huwag kailanman pasukin ang digmaan para solusyunan ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

At iiwas na maging Ukraine ng Asya ang minamahal nating Pilipinas.

Follow SMNI NEWS on Twitter