NANANATILING iginiit ni Bamban, Mayor Alice Guo na inosente siya sa mga paratang laban sa kaniya.
Ito’y sa kabila ng pagtangagp niya sa suspensiyon na ipinataw sa kaniya ng Office of the Ombudsman.
Ang suspensiyon ay tugon sa inihaing petisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa kaniya upang bigyang-daan ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y mga ilegal na aktibidad ng isang POGO hub sa Bamban.
Kasama rin sa suspensiyon ang Business Permit and Licensing Officer na si Edwin Ocampo at Municipal Legal Officer na si Adenn Sigua.
Nilinaw lang na hindi lalagpas sa anim na buwan ang preventive suspension ng mga ito.