VP Sara, ibibigay sa DOJ ang legal basis kung bakit hindi dapat makipag-cooperate ang Pilipinas sa ICC

VP Sara, ibibigay sa DOJ ang legal basis kung bakit hindi dapat makipag-cooperate ang Pilipinas sa ICC

IBABAHAGI ni Vice President Sara Duterte sa Department of Justice (DOJ) ang legal basis kung bakit hindi nararapat na makipagtulungan ang bansa sa International Criminal Court (ICC) para imbestigahan ang drug war campaign ng Duterte administration.

Nauna namang sinabi ni VP Sara na respetuhin ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. hinggil sa isyu dahil ito ang chief architect ng foreign policy ng bansa.

Noong nakaraang linggo ay sinabi na ni Pangulong Marcos na pinag-aaralan ng bansa kung magpapa-miyembro ito muli sa ICC.

Binigyang-diin nga lang ng Pangulo na hindi maaaring manghimasok ang ICC sa Pilipinas para lang imbestigahan ang drug war campaign dahil sila ay “outsider”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter