Bamban Mayor Alice Guo, handang sumailalim sa lie detector test

Bamban Mayor Alice Guo, handang sumailalim sa lie detector test

HANDANG sumailalim si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa lie detector test ukol sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado kaugnay sa ni-raid na POGO sa Bamban noong Marso.

Hinamon ni Sen. Raffy Tulfo si Mayor Guo na sumailalim sa naturang test upang matuldukan kung nagsasabi ba ito ng katotohanan sa kanyang pagkatao.

Sa naturang pagdinig, duda ang mga senador sa kwento ng alkalde hinggil sa kanyang kabataan at kung totoo ba itong dugong Pinoy.

Binalaan din ni Tulfo ang mayora na ma-contempt kung mapapatunayan nilang nagsisinungaling ito.

Sumang-ayon naman si Guo sa hamon ni Tulfo upang mapatunayang hindi ito gumagawa ng kwento hinggil sa kanyang pagkatao.

Sa susunod na pagdinig, pinangako ng alkalde ng Bamban na dadalhin nito ang mga nakahalubilo niya sa kanyang kabataan.

Samantala, hiningi rin ni Tulfo sa komite na maimbitahan ang dating mayor na si Jon Feliciano para mabigyang-linaw ang hinaharap na isyu ni Mayor Guo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter