Posibleng kapabayaan ng local police ng Bamban dahil sa POGO operation sa lugar, pinaiimbestigahan

Posibleng kapabayaan ng local police ng Bamban dahil sa POGO operation sa lugar, pinaiimbestigahan

SINISILIP na rin ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng kapabayaan sa panig ng lokal na pulisya sa bayan ng Bamban sa lalawigan ng Tarlac.

Tugon ito ng PNP sa naunang pahayag ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. na dapat papanagutin ang mga dating Chief of Police sa naturang bayan kasunod ng pagkakabisto ng ilegal na POGO hub na iniuugnay kay Mayor Alice Guo.

Pero paglilinaw ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, labas sa kapangyarihan ng PNP ang pagbibigay ng permit sa isang POGO dahil ito’y nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng PAGCOR at ng LGU.

Gayunman, ipinaliwanag ni Fajardo na ang mga Chief of Police ng isang bayan ay tumatanggap ng kautusan mula sa kanilang Provincial Director.

Habang ang mga gobernador lamang din ang may kapangyarihan na tumanggap at magpakalat ng pulisya depende sa sitwasyong pangkaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Una nang ipinag-utos ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr. sa National Police Commission (NAPOLCOM) na tanggalan ng deputation sa mga pulis si Mayor Guo habang iniimbestigahan ang kaso.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter