OSG, makikipag-ugnayan sa COMELEC, DILG sa reklamo vs kay Mayor Guo

OSG, makikipag-ugnayan sa COMELEC, DILG sa reklamo vs kay Mayor Guo

MAKIKIPAG-ugnayan na ang Office of the Solicitor General sa Commission on Elections (COMELEC), Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Ito ay kaugnay sa isasagawang imbestigasyon ng special team na binuo ng OSG para imbestigahan ang mga reklamo laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ipinaliwanag ni Solicitor General Menardo Guevarra na layunin ng imbestigasyon na alamin kung may sapat na basehan para mapatunayang walang legal na karapatan ang alkalde na tumakbo o mahalal sa pampublikong posisyon.

Magugunitang nakuwestiyon ang citizenship at legalidad ng pagkakahalal ni Guo dahil hindi tugma ang kaniyang mga salaysay nung humarap siya sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagkakaugnay niya sa ni-raid na illegal POGO hub sa Bamban, Tarlac.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble