NAKABALIK na sa Pilipinas ang sampu pang Pilipino mula Cambodia ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo, Abril 20, 2025.
Ang naturang mga Pinoy ay nailigtas mula sa mga kahina-hinalang overseas job offers na makikita online.
Hindi nga lang malinaw kung ang mga Pilipino ay biktima ng human trafficking.
Noong nakaraang linggo, nasa 26 na mga Pilipino ang naunang nakauwi sa Pilipinas mula rin sa Cambodia dahil sa kaparehong rason.