TINAASAN ng PhilHealth ang kanilang coverage para sa open heart surgeries sa halos 1 million pesos.
Ayon sa state health insurer, kinakailangan ang hakbang dahil bukod sa pagiging pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mga Pilipino, nagdudulot rin ang mga sakit sa puso ng matinding pasaning pinansyal sa mga pasyente at kanilang pamilya.
Sa ilalim ng PhilHealth Circular no. 2025-004, mula sa 550 thousand pesos ay ginawa nang 660 thousand pesos ang coverage para sa coronary artery bypass graft- standard risk at 960 thousand pesos para sa expanded risk.
Mula naman sa 250 thousand pesos, nasa 498 thousand pesos na ang coverage para sa correction ng ventricular septal defect (VSD).
Ang pagsasara naman ng VSD na may matinding pulmonary stenosis ay itinaas sa 614 thousand pesos.
Sa correction surgery ng tetralogy of fallot o kombinasyon ng apat na depekto sa puso ay ginawa nang 614 thousand pesos mula sa 320 thousand pesos.