SA kasamaang-palad, bigong nakamit ng Calulut Integrated School sa Brgy. Calulut, San Fernando, Pampanga ang inaasahang isandaang porsyentong voters turnout ngayong 2025 Midterm Elections.
Batay sa pinakahuling datos ng paaralan, nasa 75 porsiyento lamang mula sa kabuuang 16,325 na botante ang nagtungo sa polling precincts upang bumoto.
Samantala, ayon sa kasaysayan ng COMELEC, hindi pa umabot o lumalagpas sa 90 porsiyento mula sa kabuuang bilang ng botante ang talagang nakakaboto tuwing araw ng halalan.
Pinakamataas na voters turnout na naitala ay noong panahon nina Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo noong 1998 na umabot sa 86.39 porsiyento. Sinundan ito ng Marcos-Duterte tandem noong 2022 na nagtala ng 84.20 porsiyento na turnout ng mga botante.
Bagamat wala pang opisyal na pahayag ang COMELEC patungkol sa kabuuang datos ng mga nakaboto at hindi nakaboto, isang bagay ang malinaw—ng Barangay Calulut sa lalawigan ng Pampanga ay patunay na marami pa ring Pilipino ang naniniwala sa kapangyarihan ng kanilang boto. Isang boto na maaaring magdala ng tunay na pagbabago sa bansa.