NAMAMATAY bawat taon ang mahigit 115K Pilipino dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa paggamit ng tabako, vape, at alak.
Ibinahagi ito ng Philippine Medical Association (PMA) habang binibigyang-diin ang lumalalang krisis sa pampublikong kalusugan sa bansa.
Dahil dito, hinihikayat ng mga doktor na itaas na ang buwis sa mga produktong nabanggit para mapababa ang konsumo nito at mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.
Batay naman sa 2023 National Nutrition Survey, iniulat ng Department of Health (DOH) na tumaas ang paggamit ng tabako at vape sa mga Pilipinong nasa edad 20–59.
Mula 19 percent noong taong 2021 ay umakyat na ito sa 24.4 percent.