125 trainees ng Philippine Army 5ID, nagtapos na

125 trainees ng Philippine Army 5ID, nagtapos na

NAGTAPOS na ngayong araw ang nasa 125 trainees sa kanilang Candidate Soldier Course Class 761-2023 ng 5th Infantry Division (5ID) Training School sa Camp Melchor F. dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela nitong Biyernes, Disyembre 15, 2023.

Sa nasabing bilang, binubuo ito ng 110 lalaki at 15 babae.

Ang mga nagtapos ay mula sa iba’t ibang mga lugar mula Luzon, Vizayas, at Mindanao.

Ito’y kinabibilangan ng 29 trainees mula sa Isabela; 19 mula Cagayan; 17 sa Kalinga; 14 sa Apayao; 8 mula Abra; 5 sa Mountain Province, tig-4 mula sa Nueva Vizcaya at Nueva Ecija; tig-3 mula Ifugao at Benguet; tig-2 mula sa Ilocos Norte, Pangasinan, Sultan Kudarat, Tarlac at Quirino; tig-1 mula sa Iloilo, Baguio, La Union, Zamboanga del Sur, Agusan del Norte, Albay, Bohol, Manila, at Southern Leyte.

Samantala, nanguna sa naturang pagsasanay si PVT Carmencita Alberto, 24 anyos, nagtapos sa kursong Bachelor in Secondary Education (BEED) mula sa Conner Apayao na may general average na 92.78 porsiyento, pumangalawa si PVT Dan Clifford Barbero, 21 anyos, K-12 graduate, mula sa Bayombong Nueva Vizcaya na may general average na 91.69 porsiyento at pangatlo naman si PVT Van Vincent Garsuta, 23 anyos, Bachelor of Science in Electrical Engineering (BSEE) undergraduate ng Tagbilaran City, Bohol na may general average na 91.54 porsiyento.

Naging panauhing pandangal naman si Apayao Governor Elias Bulut, Jr. na katuwang ng 5ID laban sa suliranin sa insurhensiya.

Binigyang-diin ng gobernador ang patuloy na suporta ng pamahalaang panlalawigan sa kampanya laban sa mga komunistang teroristang grupo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble