IDINAGDAG ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasa 15 mga gamot sa mga exempted sa Value-Added Tax (VAT).
Batay ito sa advisory 2024-1063 ng ahensya alinsunod sa layunin na maging abot-kaya ang mga presyo ng mga gamot.
Kasama rito ang gamot para sa cancer na 200mg na Avelumab, 100mg na Acalabrutinib, 100mg at 150mg tablet na Olaparib, 150mg at 400mg na Trastuzumab, at 100mg na Trastuzumab Deruxtecan.
Ang gamot para sa cholesterol na 100mg na Rosuvastatin maging ang mga gamot para sa hypertension gaya ng 10mg na Olmesartan Medoxomil, 5mg at 10mg na Perindopril, 1.5mg/10mg na Indapamide + amlodipine tablet, at 1.5mg/5mg na Indapamide + Amlodipine tablet ay kasali rin sa VAT-exemption.
Samantala, nasa listahan na rin ng VAT-exemption ang gamot para sa mental illness gaya ng 200mg na Sodium Valproate Oral solution at 250mg na Valproic Acid Syrup.