15-M metal plates, binili ng LTO na tutugon sa backlog

15-M metal plates, binili ng LTO na tutugon sa backlog

INIULAT ng Land Transportation Office (LTO) na bumili na ng 15 milyong piraso ng ‘metal plates’ ahensiya na siyang gagamitin para sa produksiyon ng mga plaka para sa mga sasakyan at motorsiklo.

Ito ay bahagi ng kanilang hakbang na solusyunan ang mga backlog sa lalong madaling panahon.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ang pagbili ay inisiyatiba ng Department of Transportation na pupuno sa kasalukuyang 13.2 milyong backlog para sa mga motorsiklo habang nasa 179,000 naman para sa mga sasakyan.

Gayunman, umapela naman si Mendoza ng pang-unawa sa publiko at sinabing mangangailangan ng sapat na panahon upang tugunan ang problema sa backlog partikular na sa mga motorsiklo.

Subalit tiniyak ng LTO chief na inaasahan nilang matatapos simula sa susunod na buwan hanggang sa susunod na taon ang lahat ng backlog gayundin ang pagrerehistro sa mga bagong sasakyan at motorsiklo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble