INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade na malaking hamon ngayon sa ahensiya, ang kakulangan sa suplay ng plastic cards para sa driver’s license.
Pero, hindi pa man tapos ang procurement process ukol dito ay nakaamba namang mauubos ang suplay ng blank plates para sa plaka ng motosiklo at sasakyan sa LTO Central Office sa Quezon City.
“Ang plates natin is only good for…for motorcycles it’s only gonna last until June, and for motor vehicle. It’s only gonna last until July,” ayon kay Asec. Jay Art Tugade Chief, LTO.
Base sa ginawang imbentaryo ng ahensiya, kulang-kulang lamang sa 3,000 ang naiwang suplay ng blank plates para sa sasakyan.
Habang higit 700,000 para naman sa motosiklo.
Gayunpaman, gumagawa na aniya ng hakbang ang LTO upang matugunan ang problemang ito.
Sinabi pa ni Tugade, maaari munang gumamit ng improvised o temporary plates.
“Puwedeng maglagay ng improvised or temporary plates similar to motorcycles, and dito sa improvised, temporary ang nilalagay natin, kung sa kotse ang nilalagay is the conductor sticker sa motor naman ang nilalagay is the MV file number,” saad ni Tugade.
Sinabi pa ni Tugade, nasa P5.2-B ang halaga ng kontrata para sa 13 milyong mga bago at backlog na plaka ng mga motor at kotse.
60% ng mga LTO office sa bansa, papel na ang ibinibigay na driver’s license
Samantala, sinabi pa ni Tugade na 60% na ng mga LTO sa buong Pilipinas ang wala nang suplay ng plastic cards.
“So, plastic cards for Region 3, 2, 4A Caraga, wala na tayong supply doon, there are some supply left in the other region, pero in one region kasi meron tayong multiple licensing office. So, in one region, one licensing office will still have, and one licensing office will no longer have plastic card,” ani Tugade.
As of April 24, nasa 110,000 na lamang na plastic cards ang on hand ng ahensiya.
Samantala, sinabi naman ni Tugade na handa silang makipagtulungan sa kamara kung sakali mang imbestigahan nito ang kakulangan ng plastic identification cards para sa lisensiya ng mga nagmamaneho.
LTO, handang makipagtulungan sa kamara sakaling imbestigahan sa kakulangan ng plastic cards ng driver’s license
Kasunod ito ng inihaing House Resolution ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera na nagsusulong na siyasatin ang isyu sa driver’s license cards.
“We welcome the House Resolution, investigating the shortage of plastic cards. We looking forward to aiding a Congress in crafting lost, in order for us to improve, our procurement processes,” pagtatapos ni Tugade.