15 Pilipino pasok sa 2025 Billionaires List ng Forbes

15 Pilipino pasok sa 2025 Billionaires List ng Forbes

PASOK ang 15 Pilipino sa Forbes’ Billionaires 2025.

Ang mga ito ay sina Manny Villar na nasa ika-117 sa rankings kung saan nasa 17.2B dollars ang kaniyang net worth.

Nasa ika-227 naman si Enrique Razon Jr. na may 10.9B dollars na net worth.

Si Ramon Ang ay nasa ika-979 sa ranking kung saan mayroon siyang 3.7B dollars na net worth.

Si Lucio Tan na mayroong 3B dollars net worth ay nasa ika-1219 sa rankings.

Samantala, nasa rankings din ang magkakapatid na sina Henry Sy Jr., Hans Sy, Herbert Sy, Harley Sy, Teresita Sy-Coson, at Elizabeth Sy. Sina Andrew Tan, Tony Tan Caktiong, at Eusebio Tanco ay nasa listahan din ng Forbes’ Billionaires 2025.

Samantala, ang pinakamayamang tao sa buong mundo batay sa listahan ay si Elon Musk na mayroong 342B dollars na net worth.

Sinundan siya ni Mark Zuckerberg na may 216B dollars at Jeff Bezos na may 215B dollars.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble