150,000 pasahero kada araw, inaasahang dadagsa sa PITX simula sa weekend

150,000 pasahero kada araw, inaasahang dadagsa sa PITX simula sa weekend

INAASAHANG papalo sa 150,000 pasahero kada araw ang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) simula ngayong weekend para sa long “Undas weekend.”

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador na nitong nakalipas na 2 linggo pa sila nakipagkoordinasyon sa LTFRB, LTO at iba pang concerned government agencies para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga pasahero na babiyahe ngayong Undas.

Ayon kay Salvador, mag-iisyu ang LTFRB ng special permits para masiguro na may sapat na mga bus para sa Undas.

Nagsasagawa rin aniya ngayon ng random check ang LTO sa mga tsuper para matiyak na hindi nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot at alak ang mga tsuper.

Dagdag pa ni Salvador, magdedeploy rin ang PITX ng karagdagang mga tauhan para imonitor ang minimum public health standards sa terminal.

 

Follow SMNI News on Twitter