NAGKAROON ng 158 volcanic earthquakes ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.
Batay ito sa 5am update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, Hunyo 2, 2025.
Sa Bulkang Kanlaon sa Negros Islands, nasa 5 volcanic earthquakes ang naitala.
Umabot na rin ng 1,844 tonelada ng sulfur dioxide ang inilalabas nito noong Hunyo 1.
Ang Bulkang Taal naman sa Batangas ay nasa 1,351 tonelada ang average sulfur dioxide na naitatala simula pa noong Mayo 31.
Samantala, ang Bulkang Mayon sa Albay ay may 5 rockfall events na naitala ang PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras.