17% taripa sa exports ng Pilipinas patungong US magsisimula sa susunod na linggo

17% taripa sa exports ng Pilipinas patungong US magsisimula sa susunod na linggo

PAPATAWAN ng 17 percent na taripa simula Abril 9, 2025 ang mga export ng Pilipinas patungong Estados Unidos.

Bilang bahagi ito ng malawakang ‘Liberation Day’ tariff policy na inihayag ni US President Donald Trump.

Ang ‘Liberation Day’ tariff policy ay isang bagong patakaran sa taripa kung saan itataas ang taripa sa mga inaangkat na produkto mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.

Sinabi naman ni Trump na ang taripa sa mga produkto ng Pilipinas ay mas mababa pa rin kumpara sa 34 percent na ipinapatupad sa mga produkto mula sa ibang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble