2.3 Trillion pesos, mawawala ng Pinas dahil sa malnutrisyon—Nat’l Nutrition Council

2.3 Trillion pesos, mawawala ng Pinas dahil sa malnutrisyon—Nat’l Nutrition Council

KATUMBAS ng 2.3 Trillion pesos ang mawawala sa Pilipinas sa 2030 kung patuloy na hindi tutugunan ang malnutrisyon.

Pahayag ito ng National Nutrition Council (NNC) sa naging launching ng 50th National Nutrition Month.

Dahil dito, layunin ng NNC sa ilalim ng Philippine Plan of action for Nutrition ang mabawasan ng 17.9 percent ang child growth restrictions sa 2028.

Binigyang-diin naman ng NNC na isa sa tugon nito ang pagbibigay importansya ng breastfeeding sa nutrisyon ng unang anim na buwan ng mga sanggol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble