IPINAPABALIK ng Honda Motors ang nasa 2.5-M vehicle units nila sa Estados Unidos.
Ayon sa National Highway Traffic Safety Administration (NHTSA), saklaw ng ipinapabalik na sasakyan ng Japanese automaker ang 2018-2020 na Honda Accord, Civic, CR-V, HR-V, Ridgeline, Odyssey at ilang Acura Models.
Sanhi ng pagpapabalik ng mga ito ay ang naitatalang fuel pump failure na maaaring sanhi ng pag-crash ng sasakyan.
Libre namang papalitan ng Honda ang fuel pump module ayon sa NHTSA.
Inaasahang matatanggap ng mga may-ari ng units ang notification letters sa Pebrero 2024.