INIULAT ng AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) ang pagkabuwag sa dalawang Communist Terrorist Guerilla Fronts sa kanilang area of responsibility.
Ito ay kasunod ng Campaign Progress Review and Assessment (CPRA) sa Camp Aquino sa Tarlac City na dinaluhan ng iba’t ibang Joint Task Force Commanders, TRIAD Staff at iba pang field commanders.
Ayon kay AFP NOLCOM spokesperson Lieutenant Colonel Elmar Salvador, partikular na nabuwag ng kanilang hanay ang West at East Front Committees.
Sa datos ng NOLCOM mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30, 2022, na-neutralize nila ang 25 Communist terrorist.
Habang 60 armas ang isinuko at narekober sa iba’t ibang operasyon.
Natulungan din ng NOLCOM ang 1,156 dating rebelde sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) mula 2018.
Inatasan naman ni AFP NOLCOM commander Lieutenant General Ernesto Torres Jr. ang bawat yunit sa ilalim ng kanyang command na manatiling agresibo at walang humpay ang kampanya upang wakasan ng communist insurgency.