2 dokumento na pinapasuri ni PBBM, huwag sundin – Enrile

2 dokumento na pinapasuri ni PBBM, huwag sundin – Enrile

HINDI dapat sundin ang dalawang dokumento na pinasuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Ito ang kinumpirma ni Enrile sa programang Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI News.

Pagkatapos ng aming pagsusuri at pag-aaral, nirekomenda namin na huwag susundin ‘yung nilalaman noong dalawang dokumento na ‘yun. Sapagkat nandiyan ang opisina ng executive secretary, nandiyan ang mga cabinet position. Nandiyan ang ibang ahensya ng gobyerno. Nakita namin na ‘yung nilalaman noong proposal ay sasakupin lahat ‘yung mga opisina na ‘yun, eh, magbabanggaan ‘yan,” ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Dagdag pa ni Enrile, magkakaroon ng banggaan sa mga ahensya ng gobyerno kapag ito ay isinakatuparan.

Aniya, maguguluhan ang Pangulo ng Pilipinas at magkakaroon ng conflict ang iba’t ibang opisyal ng gobyerno kapag ito ay pinayagan.

Saad pa ni Enrile, trabaho lamang at walang personalan.

“Kaya, walang personalan, trabaho lamang ang nauukol bilang mga abogado ng presidente, we will always protect the organization of the president. We warned the President not to be bothered by interpersonal relationship inside his government,” ayon pa kay Enrile.

Tiwala naman si Enrile na matatag ang gobyerno ng Pilipinas kahit nagtungo ito sa Amerika para sa mga official meeting nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter