WALANG kawala ang dalawang itinuturing na high value target individuals kasunod ng isinagawang drug buy-bust operations ng Special Operations Unit 2, sa ilalim ng command ni PBGen. Eleazar P. Matta, Director, PNP DEG.
Isinagawa ang anti-illegal ops nitong alas onse ng umaga ng Huwebes, Hulyo 11, 2024, katuwang ang Tuguegarao City Police Station in Zone 6, Namabbalan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Cambi Parallag, 52 years old at Jonathan Sebastian Gonzales, 46 years old kung saan nakuha sa mga ito ang 10 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php 68,000.00.
Narekober din sa dalawa ang 500 grams ng suspected marijuana na may estimated Standard Drug Price Php60,000.00.
Nasa kustodiya na ng PNP-DEG office ang dalawang suspek habang dinala naman sa PNP Regional Forensic Unit 2, Tuguegarao City, Cagayan ang mga drug evidence para sa Forensic Laboratory examination.