11 na ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nasugatan mula sa nangyaring 7.2 magnitude lindol sa Taiwan.
Kasunod ito sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na nadagdagan pa ng dalawa ang mga biktima.
Sa isang social media post ni DMW Officer in Charge Hans Cacdac ngayong Martes, Abril 9, tiniyak nito na bagamat hindi major injury ang mga natamo, nabigyan na ang dalawa ng kaukulang medical treatment.
Nagpadala na rin ang DMW ng six-member augmentation team para tugunan ang mga pangangailangan ng nasa 5-K na Overseas Filipino Workers sa Hualien County na siyang epicenter ng lindol noong Abril 3.