2 pulis at 1 dating pulis, tiklo dahil sa iba’t ibang kaso—IMEG

2 pulis at 1 dating pulis, tiklo dahil sa iba’t ibang kaso—IMEG

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang dalawang pulis at isang dating pulis na nahaharap sa iba’t ibang kaso.

Ayon kay PNP IMEG director Police Brigadier General Warren de Leon, matagumpay na naipatupad ang warrant of arrest laban kay Patrolman Michael Angelo Basa sa Cabanatuan City, Nueva Ecija dahil sa kasong grave threat.

Nahuli naman si Police Master Sergeant Joey Cauilan sa Tuguegarao City, Cagayan dahil sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act).

Habang natiklo si dating Police Corporal Marvin Jay Allam Pagulayan sa Quezon, Isabela dahil sa estafa.

Tiniyak ni Brigadier General de Leon na hindi titigil ang IMEG sa paghabol sa mga pulis na nahaharap sa iba’t ibang reklamo na nakasisira sa imahe ng Pambansang Pulisya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter