SUPORTADO ni Sen. Christopher “Bong” Go ang plano ng gobyerno na magtatag ng drug treatment at rehabilitation facility sa bawat lalawigan sa Hunyo 2028.
Ito ay kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na plano niyang magtayo ng Community-Based Drug Rehabilitation Programs (CBDRPs) at Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) sa bawat probinsiya, lungsod, munisipalidad, at mga barangay.
Ginawan ng Pangulo ang anunsiyo matapos mabatid na humigit-kumulang sa P10.41-B halaga ng ilegal na droga ang nasamsam noong 2023, kung saan mahigit 27,000 barangay umano ang na-clear sa bawal na gamot.
Para kay Go, ang hakbang ng Pangulo ay nagpapatibay sa laban ng gobyerno kontra sa ilegal na droga.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng maayos na drug rehab services sa buong bansa ay nagbibigay ng kasiguraduhan na maka-recover at matagumpay na ma-reintigrate pabalik sa komunidad ang mga dating adik sa droga.