MALAKAS na pag-ulan na may kasamang abo ang naranasan ng mga residente sa Bacolod City hapon ng Mayo 13, kasunod ng muling pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon pasado alas-dos ng madaling araw.
Binalot ng makapal na ashfall ang 21 barangay sa lungsod, kabilang ang:
Apektadong mga barangay sa Bacolod City dulot ng ashfall:
- Barangay 6
- Barangay 9
- Barangay 12
- Barangay 17
- Barangay 21
- Barangay 29
- Barangay 32
- Barangay 33
- Barangay 35
- Barangay Alijis
- Barangay Estefania
- Barangay Cabug
- Barangay Granada
- Barangay Handumanan
- Barangay Mansilingan
- Barangay Singcang Airport
- Barangay Taculing
- Barangay Tangub
- Barangay Villamonte
- Barangay Vista Alegre
Mahigpit na pinayuhan ng Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residente sa mga apektadong lugar na iwasang lumabas ng bahay, magsuot ng facemask o basang damit bilang panakip sa ilong, panatilihing nakasara ang mga bintana at pinto, at ingatan ang mga pinagkukunan ng tubig upang maiwasan ang kontaminasyon.