DUMATING na sa bansa ang 28 OFWs mula sa Israel ngayong araw ng Huwebes, Enero 11, 2024.
Sa bilang na ito, umabot na sa kabuuang 463 na mga Pinoy worker ang napauwi sa Pilipinas ng pamahalaan kasunod ng Israel-Hamas conflict na nagsimula noong October 7, 2023.