2NE1 umabot ng 98 million streams sa Pandora

2NE1 umabot ng 98 million streams sa Pandora

MULING pinatunayan ng groundbreaking South Korean girl group na 2NE1 ang kanilang worldwide fame nang dinomina nila ang Pandora with more than 98 million streams.

Dahil dito ay sila na ang “Most-Streamed 2nd Generation Girl Group” sa platform ng Pandora.

Ang Second Generation girl-group ay kilala sa kanilang edgy style sa fashion at music. Sinet nila ang trend sa South Korean group na mula sa traditional ‘cute’ girl group, lumikha sila at ipinakilala sa mundo ang kakaibang style ng K-pop.

Sila CL or Lee Chae-rin, Park Bom, Sandara Park, at Gong Min-ji ay tinaguriang revolutionary sa mundo ng K-pop dahil lumabas sila sa boundaries ng music style ng South Korea at pinakilala sa mundo ang bagong tema ng female empowerment sa industriya on-stage.

Nakilala rin sila sa kanilang hit songs tulad ng “Fire,” “I Don’t Care,” “Can’t Nobody,” “I Am The best,” at ang isa sa pinaka iconic, ang “Come Back Home.”

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble