3 araw na tigil pasada ikakasa ng Manibela, kontra sa ginagawang panghuhuli ng MMDA

3 araw na tigil pasada ikakasa ng Manibela, kontra sa ginagawang panghuhuli ng MMDA

NAKATAKDANG magsagawa ng tigil pasada ang grupong Manibela sa susunod na linggo simula a-dyes hanggang a-dose ngayong Hunyo.

Ito ay bilang pagprotesta nila sa ginagawang panghuhuli ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga unconsolidated na jeepney.

Ayon sa naturang grupo, tatlong araw na strike ang kanilang gagawin kaya asahan na umano na kulang ang masasakyan ng taumbayan sa nakatakdang tigil-pasada.

Ayaw naman umano nila itong gawin dahil mahihirapan ang mga kababayan nating commuters lalo na ngayong tag-ulan ngunit nais umano nilang iparamdam at pasinungalingan na ang sinasabi umano ni Transportation Secretary Jaime Bautista na 81 porsyento ng mga PUV operators at drivers ay nakapag-consolidate na.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter