3 finalists ng NBA Most Valuable Player 2025, kinilala na

3 finalists ng NBA Most Valuable Player 2025, kinilala na

PASOK na bilang finalists sa 2025 NBA Most Valuable Player sina Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City Thunder, Nikola Jokic ng Denver Nuggets, at Giannis Antetokounmpo mula sa Milwaukee Bucks.

Nanguna si Gilgeous-Alexander sa scoring ngayong season na may 32.7 at pinangunahan ang Oklahoma City Thunder sa best record ng liga.

Si Jokic naman, na may triple-double average, ay target na makuha ang ikaapat niyang MVP title.

Si Giannis naman ay may 30.4 points at 11.9 rebounds kada laro.

Ito na ang ikaapat na magkakasunod na taon kung saan lahat ng MVP finalists ay hindi ipinanganak sa Estados Unidos.

Ang pinakahuling Amerikanong itinanghal bilang MVP ay si James Harden noong 2018.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble