3 lanes ng C5, pansamantalang isasara para sa Sewer Network Project

3 lanes ng C5, pansamantalang isasara para sa Sewer Network Project

INABISUHAN ang mga motoristang dumaan sa alternatibong ruta dahil pansamantalang isasara ng ilang oras ang 3 lanes ng C5 Road sa Pasig City para sa Sewer Network Project.

Sisimulan ang road closure ngayong araw ng Martes, Mayo 9, simula 10pm – 5am.

Ito ay upang bigyang-daan ang pagbuo sa North Pasig Package 1 Sewer Network Project ng Manila Water na maaaring magtagal hanggang Agosto 31.

Naglagay rin ng mga road sign sa kahabaan ng C5 upang maabisuhan ang mga motorista tungkol sa pansamantalang pagsasara ng daanan partikular na sa intersection ng Lanuza Avenue at C-5 Road Southbound sa Brgy. Ugong.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter