3 pulis na may iba’t ibang kaso, arestado ng PNP-IMEG

3 pulis na may iba’t ibang kaso, arestado ng PNP-IMEG

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang tatlong pulis na may mga nakabinbing kaso sa korte sa iba’t ibang probinsiya.

Kinilala ni PNP-IMEG Director PBrig. Gen. Warren de Leon ang mga pulis na sina Pat. Michael Angelo L. Basa, 30, nakatalaga sa 1st PMFC, Cabanatuan City, Nueva Ecija; PMSg Joey G. Cauilan, 33, naka-assign sa Gattaran Municipal Police Station at PO2 Marvin Jay Allam Pagulayan, isang dismissed PNP member.

Ayon kay IMEG Director De Leon, dinakip ang tatlo batay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng iba’t ibang korte.

Si Basa ay may nakabinbing kasong “grave threats” habang inireklamo naman si Cauilan ng kaniyang misis ng “non-support” at “estafa” naman si Pagulayan.

Nilinaw ni De Leon, na ang paghahabol sa mga ito ay bahagi ng kanilang kampanya na linisin ang kanilang hanay.

Follow SMNI NEWS on Twitter