NAKIISA ang 30 empleyado mula sa DSWD-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) NCR sa isinagawang “Celebrating Families (Ipagdiwang ang Pamilya) Training of Facilitators” katuwang ang World Vision Development Foundation, Inc. (WVDF) mula Marso 19-21, 2025 sa Hotel Kimberly, Pedro Gil, Malate, Manila.
Layunin ng tatlong (3) araw na pagsasanay na palalimin ang pag-unawa ng mga kalahok sa family dynamics, positive parenting, at ang kahalagahan ng spiritual nurture para sa mga bata sa loob ng pamilya.
Ang training ay bahagi ng nilagdaang Memorandum of Understanding sa pagitan ng 4Ps-NCR at World Vision Foundation, Inc., na naglalayong bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga City Links/Case Managers sa pamamagitan ng Transformational Development Approaches para sa mga 4Ps beneficiaries, magulang, at community stakeholders upang makalikha ng isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran para sa mga bata at kabataan.
Inaasahan na ang mga bagong kaalaman mula sa training na ito ay maisasalin sa mga isasagawang FDS upang mas matutukan pa ang bawat pamilyang benepisyaryo ng 4Ps sa kanilang pagpapaunlad sa komunidad.
Editor’s Note: This article has been sourced from the DSWD NCR Facebook Page.