36 party-list organizations maaaring ma-disqualify

36 party-list organizations maaaring ma-disqualify

NASA 36 party-list organizations ang maaaring ma-disqualify sa darating na May 2025 midterm elections.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, magpapadala pa muna sila ng notice upang agad alisin ng party-list organizations ang kanilang iligal na campaign posters gaya ng paglalagay nito sa ipinagbabawal na lugar.

Ang ilan sa mga ito ay bigo rin na sumunod sa tamang regulasyon gaya ng tamang sukat ng campaign posters at paggamit ng environment-friendly materials.

Dahil sa paglabag, ang sinumang mahuhuling hindi sumusunod sa batas hinggil sa campaign posters ay mahaharap sa kasong kriminal. Gayunman, inanunsyo ng COMELEC na magpapadala muna sila ng notice bilang paunang babala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble