AABOT sa 37K na mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police sa nationwide school opening ngayong Hunyo 16, 2025.
Partikular na ipakakalat ito sa mga lugar at kalsadang papunta o paalis ng mga paaralan.
Kasama pa sa deployment ang 5K pulis na itatalaga sa mga police assistance desk.
Sa school opening din masusubukan ang sinasabing 5-minute emergency response time ng pulisya.