38-anyos na lalaki, naaresto sa isang buy-bust ops sa QC Memorial Circle   

38-anyos na lalaki, naaresto sa isang buy-bust ops sa QC Memorial Circle  

NAARESTO ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) ang isang 38-anyos na lalaki matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa loob ng Quezon City Memorial Circle at nakuhaan ng isang kilo ng shabu ng nagpanggap na PDEA na pusher buyer.

Sa report ng PDEA SES kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Edmar Corneja, 38-anyos at residente ng Muntinlupa, Alabang.

Ang buy-bust ay ikinasa ng alas 3:35 ng hapon ng Hulyo 9, 2024, nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang kilo ng shabu na nakalagay sa tea bag Chinese character na nagkakahalaga ng P6.8-M.

Kasama sa actual buy-bust ang barangay kagawad ng Brgy. Central na si Kagawad Susan de Malanta at Department of Justice (DOJ) Representative King Basa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble