4 na bagong health stations, binuksan sa Maguindanao del Sur

4 na bagong health stations, binuksan sa Maguindanao del Sur

BINUKSAN ng Ministry of Health sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) ang 4 na bagong village health stations sa Maguindanao del Sur upang palakasin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa malalayong komunidad.

Ayon kay MOH-BARMM Minister Dr. Rizaldy Piang ang kanyang tanggapan ay nakatuon ngayon sa pagtatayo ng mas maraming pasilidad pangkalusugan.

Aniya, bawat isa sa mga barangay health station ay may dalang P500,000 halaga ng kagamitan. Maguindanao del Sur

Idinagdag ni Piang na pinondohan ng “Tiyakap Bangsamoro Kalusugan Program” ng BARMM ang dalawa sa mga proyektong ito habang ang dalawa pa ay nasa ilalim ng Special Development Fund.

Follow SMNI NEWS in Twitter