PATAY ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kasagsagan ng engkwentrong naganap sa bayan ng Talakag, Bukidnon.
Ayon sa Bukidnon Police Provincial Office (BPPO) at 403rd Infantry Brigade, nakilala ang mga napaslang na sina Carlisio Sumalinog, Jovilito Pontillas, Gary Juliana, at Jelly Sugnot.
Nasabat din sa mga NPA ang labing anim na high-powered firearms na may pitong M16 rifles, M203 grenade launcher, dalawang carbine rifles, isang M653 rifle, tatlong grand rifles, AK-47 at M14 rifles.
Inihayag ni BPPO Director Col. Jun Mark Lagare, nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng 1st Force Battalion sa Barangay Tikalaan nang magkaroon ng engkwentro sa tatlumpung rebelde na tumagal ng dalawang oras.
Pagkatapos ng ilang minuto, dumating ang mga reinforcement mula sa 1004th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion-10 at Talakag Municipal Police Station upang masigurado ang Encounter Site at ma-set up ang choke point.
Agad namang dinala ang apat na sugatang PNP sa Talakag Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, wala namang nasugatan sa pwersa ng gobyerno at nag-atrasan sa nasabing engkuwentro ang iba pang NPA.