4PH Program sa NCR bibilisan na ng DHSUD

4PH Program sa NCR bibilisan na ng DHSUD

PABIBILISIN ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang paggawa ng mga proyekto sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program sa National Capital Region (NCR).

Ang mga kasalukuyang proyektong ito ng 4PH ay matatagpuan sa Caloocan City, Maynila, Quezon City, at San Juan City.

Ayon kay DHSUD Sec. Jose Rizalino Acuzar, prayoridad nila ang NCR dahil dito ang may pinakamaraming informal settlers.

Maliban naman sa mga nabanggit na lugar ay may staging area na ang DHSUD sa Pasay na magsisilbing pansamantalang matutuluyan ng informal settlers na benepisyaryo rin ng 4PH Project sa lungsod.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble