5 matataas na opisyal ng DepEd, nagbitiw na sa puwesto

5 matataas na opisyal ng DepEd, nagbitiw na sa puwesto

NAGBITIW na sa puwesto ang 5 matataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) ilang linggo matapos mag-resign ni Vice President Sara Duterte bilang education secretary.

Kabilang sa mga opisyal ng DepEd na nag-sumite ng kanilang resignation ay sina:

  1. Michael T. Poa – Undersecretary and Chief of Staff
  2. Nolasco A. Mempin – Undersecretary for Administration
  3. Sunshine A. Fajarda – Assistant Secretary – Office of the Secretary
  4. Reynold S. Munsayac – Assistant Secretary for Procurement
  5. Noel T. Baluyan – Assistant Secretary for Administration

Ayon kay Poa – nararapat lang na bigyan si incoming DepEd Secretary Sonny Angara ng kalayaang pumili ng mga taong magiging bahagi ng kaniyang ahensiya.

“I think it is only appropriate to give the incoming Secretary of Education, Secretary Angara, a free hand to choose the people that will form part of his team,” ayon kay Usec. Michael Poa, Chief of Staff, DepEd.

Sa tanong kung magsisilbi pa rin ba siya sa ilalim ng liderato ni Vice President Sara Duterte – sinabi ni Poa na maghihintay lang siya ng anumang abiso mula sa pangalawang pangulo.

“I will just wait for instructions from the Vice President, if any,” ani Poa.

Magiging epektibo ang pagbibitiw ng mga nasabing opisyal sa July 19, 2024.

Wala pa ring malinaw na dahilan kung bakit nagbitiw si VP Sara bilang DepEd Secretary.

Pagbitiw ni VP Sara bilang DepEd secretary, isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos Jr.

Pero isa sa nakikitang dahilan ng isang political analyst kung bakit hindi dadalo si Vice President Duterte sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

 “Haharap ka ba sa SONA na ikaw ay nagresign na at sinabi mo noong June 12 na ang UniTeam ay pang-election lamang? At noong June 19 ikaw ay nagsabi na, “Ako ay magreresign sa DepEd?” ayon kay Malou Tiquia, Political Strategist.

Maling trato ng Marcos admin, posible ring dahilan ng hindi pagdalo ni VP Sara sa SONA

Dagdag pa ni Malou Tiquia, ilan rin sa mga posibleng dahilan sa desisyon ni Vice President Sara ay ang maling trato sa kaniya ng administrasyong Marcos.

“Aattend ka ba sa SONA na hindi ka naman tinatrato ng maayos nitong administrasyon na ito? Bakit ka sisiksik sa isang administrasyon na binabastos ka? Sa aking tamang-tama ‘yung ginawa niya,” ani Tiquia.

Political strategist, may buwelta vs. mga kongresistang kumukwestiyon sa ‘di pagdalo ni VP Sara sa SONA

May buwelta naman si Tiquia laban sa kongresistang kumukwestiyon sa desisyon ni Vice President Sara na hindi dumalo sa SONA at sinabing walang maturity ang pangalawang pangulo.

“Hindi iyan sign ng immaturity. ‘Yung sabi ng isang congressman, si bise presidente daw ay walang maturity.  Alam mo ang maturity is the sum total of her acts. Hindi’ yung isang desisyon na hindi niya pagpunta sa 3rd State of the Nation Address. ‘Yung mga kongresista ang inyong mandato ay siguro 250,000 per district. Si Vice President po 32 million, wag niyo namang pahiyain ng ganoon. At karapatan ng bise presidente kung ayaw niyang umaattend, hindi siya aattend,” giit ni Tiquia.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble