50 bahay, ipinamigay ng BARMM sa isang munisipalidad sa Maguindanao Del Sur

50 bahay, ipinamigay ng BARMM sa isang munisipalidad sa Maguindanao Del Sur

NAI-TURNOVER na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nasa limampung bahay sa mga mahihirap na pamilya sa munisipalidad ng Sultan sa Barongis, Maguindanao Del Sur.

Sa ilalim ito ng kapayapaan sa pamayanan o kapyanan project ng BARMM.

Sa pahayag ng BARMM, ang bawat bagong bahay na ipinamahagi noong February 24 ay may kasamang kuryente at patubig na.

Maliban pa rito ay mayroon na rin itong kusina, sala, palikuran, tatlong silid-tulugan at isang maliit na balkonahe.

Ngayong February 28 ay magkakaroon pa ng panibagong housing turnover ceremony ang BARMM sa Datu Paglas, Maguindanao Del Sur.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble