NAKAPAGTALA na naman ng panibagong world record ang Dubai para sa taong 2023 sa kanilang aerial lights display.
Ito ay dahil imbis sa nakasanayang engrandeng fireworks display sa lugar, 500 drones na ang ginamit ng bansa para sa kanilang aerial illuminations sa kasalukuyan.
Ang kompanyang Skymagic ang katuwang ng Dubai dito at ang tig-lilimang minuto at 2 beses na nightly aerial displays ng drones ay nagsimula pa noong December 15, 2022 at magtatagal hanggang January 29, 2023.
Isinasagawa ito sa Bluewaters Island sa Dubai Marina.
Feature ng drone aerial displays ang mismong Dubai at ang tourist spots na matatagpuan dito.