5th full-length album ng Seventeen sa Mayo na ire-release

5th full-length album ng Seventeen sa Mayo na ire-release

KUMPIRMADO na ng grupong Seventeen ang release date ng kanilang magiging pinakabagong album na pinamagatang Happy Burstday.

Nitong Abril 21 nang inanunsiyo ng grupo na sa Mayo 26 ilalabas ang kanilang ikalimang full-length album.

Bagamat nasa mandatory military enlistment na sina Jeonghan at Wonwoo, kumpletong makikita ang lahat na 13 members ng Seventeen sa promotional video.
Maliban sa full-length album ay magkakaroon din ng panibagong tour ang grupo.

May panibago ring unit single album kasunod sa This Man nina Jeonghan at Wonwoo; at Beam nina Hoshi at Woozi.

Ang release ng Happy Burstday ay handog ng grupo sa fans para sa selebrasyon ng kanilang tenth anniversary.

Ang Seventeen ay nag-debut sa music industry noong Mayo 26, 2015.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble