61 indibidwal, huli sa 3 araw na operasyon ng CIDG

61 indibidwal, huli sa 3 araw na operasyon ng CIDG

NAARESTO ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 61 indibidwal matapos ang 3 araw na operasyon mula Abril 21 – 23.

Ayon kay PNP CIDG director Police Brigadier General Romeo Caramat, Jr., ang kanilang accomplishments ay resulta ng 58 operasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa nasabing bilang, 47 manhunt operations ang isinagawa laban sa wanted persons bilang bahagi ng ‘Oplan Pagtugis’.

Nagresulta ito sa pagkaaresto ng 9 most wanted persons at 36 iba pang wanted persons.

Habang sa kampanya kontra loose firearms o ‘Oplan Paglalansag Omega’, 4 na suspek ang nahuli matapos ang 5 police operations habang nakuha ang 4 na baril.

Binigyang-diin ni Caramat na isinagawa ng CIDG ang operasyon upang mapigilan ang mga iligal na aktibidad na sumisira sa katahimikan ng mga komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter