7 election-related incidents, naitala ng PNP

7 election-related incidents, naitala ng PNP

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng pitong pinaghihinalaang election-related incidents simula nang mag-umpisa ang election period.

Dalawa sa pitong election-related incidents ayon sa PNP ay nagresulta ng pagkamatay ng isang municipal councilor supporter sa SOCCSKSARGEN at isang municipal councilor sa Ilocos Sur.

Ang ibang mga kaso ay aksidente sa sasakyan, paninirang-puri at iba pa.

Binigyang-diin naman ng PNP na ‘for validation’ pa ang ulat na ito at aabutin pa ng 10 araw ang kumpirmasyon.

Nag-umpisa ang election period noong Enero 12.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble