70 estudyante ng Medico Elem. School, tumanggap ng school supplies mula sa NIA-UPRIIS, NIA-EASP

70 estudyante ng Medico Elem. School, tumanggap ng school supplies mula sa NIA-UPRIIS, NIA-EASP

70 mga mahihirap na estudyante ng Medico Elementary School sa Brgy. Medico, Nampicuan, Nueva Ecija ang tumanggap ng mga school supplies at payong.

Ito ay sa isinagawang outreach program sa isa sa pinakadulong barangay ng nasabing bayan.

Ayon kay NIA-UPRIIS Department Manager Engr. Gertrudes Viado, taunan itong ginagawa ng kanilang ahensiya at patuloy nila itong isasagawa para makatulong sa mga mahihirap na estudyante.

“Hindi lang ito ang una sa pagkakataong ito, hindi lang ito mangyayari sa una dahil alam ko meron pang mga susunod na araw na iba naman ang gagawin ng NIA-EASP. Ganyan po talaga ang ginagawa ng aming Employees Association of NIA, annually po ‘yan, ‘yan po ‘yung tinatawag nating share service. Thank you,” ayon kay Engr. Gertrudes A. Viado, NIA-UPRIIS Department Manager.

Ibinahagi naman ni NIA Employees Association for Solidarity and Progress-UPRIIS Chapter President Engr. Francisco Reyes na hindi lang outreach program ang ginagawa ng NIA at ng Employees Association kundi umiikot sila sa buong probinsiya ng Nueva Ecija para makapagbigay ng kaukulang mga tulong.

“Ah, hindi lang po ito ang aming programa kundi umiikot din kami sa buong bayan, ah lalawigan ng Nueva Ecija. So, lahat po ng kaya naming itulong maliban sa ganitong bagay ay tutulong po ang NIA-EASP at at ganun din po ang National Irrigation Administration. Muli po, maraming salamat,” ayon kay Engr. Francisco Reyes, President, NIA-EASP-UPRIIS Chapter.

Samantala, ayon kay Engr. Jose Ariel Domingo, manager ng Division VI NIA-UPRIIS, tuluy-tuloy ang mga ginagawang programa ng NIA at para sa kaniyang dibisyon sa mga may kapansanan sa bayan ng Guimba ang benepisyaryo ng susunod nilang outreach program.

“Hindi lang ito ang una at huli kundi talagang whole year round itong gagawin namin. Meron pa kaming programa para sa mga may kapansanan, doon naman sa Guimba ‘yun sa bayan namin. Pagbibigay sa pamayanan at sa may kapansanan sa Guimba. Program ng Division VI. Thank you,” ayon kay Engr. Jose Ariel G. Domingo, Manager, Division VI NIA-UPRIIS.

Lubus-lubos naman ang pasasalamat ni Medico Elementary School Principal at Head Teacher III Jeffrey C. Bautista sa mga nagbigay ng tulong sa mga estudyante at sa kanilang eskuwelahan na aniya ay kahit malayo ay napiling benepisyaryo ng NIA-EASP at NIA-UPRIIS.

 “We are very blessed for having been chosen as a beneficiary of the corporate social responsibility being performed by the NIA-EASP and the NIA-UPRIIS chapter at sa lahat po ng bumubuo ng Guimba-Nampicuan Farmers Irrigators Association and the Sammmey.”

“Kami po ay natutuwa, nagagalak po kami dahil sa dami-dami po ng mga eskuwelahan na dapat pagkalooban ng tulong ay napili po ang aming eskuwelahan. Malayo po itong eskuwelahan namin sa bayan ng Nampicuan pero we are very blessed for being chosen as a beneficiary. We do not know how to reciprocate this but this is actually an inspiration sa lahat ng mga companies, private and non-government and government organizations to also add value to other people.”

“So in return, we sincerely appreciate this noble undertaking that we, we promise to ourselves to even deliver better service among our clients. Thank you very much po sa lahat ng bumubuo ng NIA- UPRIIS. Maraming maraming salamat po sa inyong pagbisita at pagka-conduct ng ganitong program,” ayon kay Jeffrey C Bautista, Head Teacher III. Principal, Medico Elementary School.

Dagdag pa ni Bautista, 20% lamang ng mga estudyante ng Medico Elementary School ang umaabot sa kolehiyo dala ng kahirapan kaya malaking bagay aniya sa mga estudyante ang naturang programa ng NIA-UPRIIS na makakapagbigay pag-asa sa mga mahihirap na estudyante ng kanilang eskuwelahan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble