8 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Kanlaon

8 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Kanlaon

NAGKAROON ng 8 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands sa nakalipas na 24 oras.

Batay ito sa 5am update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, Mayo 19, 2025.

Sa kabila nito ay nanatili pa rin itong nasa Alert Level 3.

Ngunit inalis na ng Regional Task Force Kanlaon ang pagbabawal sa pagpasok sa loob ng 6-kilometers na danger level zone mula alas sais ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Ibig sabihin, sa loob ng nabanggit na timeframe, maaari nang makapasok halimbawa ang mga magsasaka sa loob ng danger zone para maalagaan ang kanilang mga pananim at alagang hayop at mabisita ang kanilang mga tahanan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble