UPANG malaman ang mga plano at inisyatibo ng Antipolo LGU tungkol sa kapayapaan at kaunlaran sa nasabing lungsod ay nagbigay ng kurtesiya si Lt. Col. Mark Antony Ruby ang Commanding Officer ng 80th Infantry Battalion (80IB) ng Philippine Army (PA) sa tanggapan ng punong lungsod ng Antipolo na si Casimiro “Jun” Alcantara Ynares, III.
Sa nasabing courtesy call, sinabi ng battalion commander na handa ang kanilang unit na suportahan ang mga layunin ng punong lungsod, kasama na ang pagpapalaganap ng kultura ng kapayapaan at pagkakaisa.
Ang pagbisita ay bahagi ng pakikipag-ugnayan ng 80IB sa mga lokal na pamahalaan sa kanilang nasasakupan upang mapalakas ang koordinasyon at kooperasyon sa pagpatutupad ng mga programa at proyekto na may kinalaman sa seguridad, kaayusan, at pag-unlad ng komunidad.
Samantala, nagpasalamat naman ang punong lungsod ng Antipolo sa pagbisita ni Lt. Col. Ruby at ipinahayag ang kaniyang pagpapahalaga sa serbisyo ng 801B.
At sinabi ng alkalde na ang siyudad ng Antipolo ay patuloy na magsusuporta sa yunit, at magbibigay ng tulong sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa usaping insurhensiya.