IPINAG-utos ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng police stations nito sa bansa na magsagawa ng regular na pagpatrolya.
Mainam na 85% sa mga police personnel nito ay aktibo sa field duties.
Ang hakbang ay upang mapalakas ang kanilang visibility sa publiko na magiging daan upang mabilis din ang kanilang pagresponde tuwing may nangangailangan ng kanilang tulong.
Sa pagpatrolya ay binigyang-diin din na palakasin ang kanilang OPLAN galugad at OPLAN sita operations.